|
7:10 P.M - 03/09/2003 Sa lintik na webpage ko... at sa webpage namin na din... Hindi naman sa hindi ko matanggap ang kaniyang mga sinasuggest, pero ayoko lang talaga ng pinangungunahan ako. May diskarte ako sa webpage ko, pero wala akong magagawa kung ganoon na nga magiging maganda ang webpage ko... at webpage na din namin. Ewan ko pero dahil sa ginawa niyang yun pakiramdam ko ako na ang pinakainferior na tao sa buong mundo. Ewan ko... mababa na nga ang tingin ko sa sarili ko, tapos dahil sa ginawa niyang yun e lalong nabawasan ang self-confidence ko. nawalan tuloy ako ng ganang kausap siya... naurat ako bigla. pakiramdam ko nagmamayabang siya sa akin, at nawalan ako ng interest. Pero don't get me wrong. Hindi ibig sabihin nun na kinaiinisan ko na talaga siya. Totoo lang e ayos lang naman kasi kahit papaano e talagang nainterest ako na pag-aralan lalo ang HTML pati na ang Photoshop... Alam niyo naman ako, parang Kai na din, I strive for perfection... (totoo yun) I want to be the best. To be frank with you all, ayoko ng may nakakalamang sa akin. Inggitera din ako e. Kaya nga naman nung medyo "naasar" ako sa mga sinabi niya e naforce akong pag-igihin pa lahat ng ginagawa ko... and so i thank her. "Ibang klaseng kaibigan... hindi ko alam kung kakampihan ko o ano... Pero di ba ansagwa ng background pic ko? Sabi niya kasi hindi daw matino ang background pic, at mag-aral daw muna ako ng photoshop bago ko ipost yung picture. Kayo nga, masagwa ba talaga? kasi kung oo babaguhin ko layout ko.... o HUWAG NA LANG KAYA? MAGDUSA KAYO! MANIGAS KAYO! Layout ko to, pinaghirapan ko to tapos papabago niyo na lang agad sa akin?? Aba, at ang gagaling nyo din ah!!!
|