|
11:14 P.M. - 03/02/2003 HUlaan niyo kung anong ginagawa nila... 3,2,1... Go... SHOOT!!! right, nagbebeyblade ang mga mukhang mga sirang binatilyo sa may daanan. Pinagtitinginan sila ng mga tao na bagong gising pa lang. Siguro kung in totality, ako na ang pinakabata sa tropa. Aba, at ang mga taong ito na dati kong nakikita na aastig-astig sa kalsada e naglalaro ng pambatang laro??? Ang lalaki pa naman ng mga katawan nila tapos ginagamit lang nila ito panghila ng mga pagkaliliit na shooter at winder?... SALI AKOW!!!! *wide grin* look at the irony naman! Sayang, at hindi ko nadala si PURPLE DRANZER! (yep, may beyblade ako, masama?) Kai: HUWAG MONG BABABUYIN ANG DRANZER KOOOH! pero nakakatawa talaga ang nasaksihan ko kaninang umaga... MORAL LESSON: Huwag matakot sa mga lalaking aastig-astig sa kanto. Malay niyo makita niyo na lang sila isang araw na naglalaro ng JACKSTONE! *faints*
|