|
12:15 P.M. - 03/18/2003 Pero on the bad side e nawala na ang lahat ng layouts ng tiga-TaHOOOH at nawala na din ang magandang mga layouts nina Tita Angge (Sorry, nalimutan ko na ang command kung paano ko nagawa yung rising Mickey Mices on her page. HALA, TOTAL REVAMP. *faints*) at kay Jonats na din and his UNIQUE EYE OF HORUS sa page niya.... nakakapanghinayang, pero ganyan talaga kung hindi pinapayagan.. hayaan niyo na, kasi alam ko naman kung anong gagawin.... Hayaan niyo na tutal may bakasyon naman e, (malapiiiit na!) at dun ko na din gagawin ang lahat ng necessary changes sa layouts. Promise, gagandahan ko na talaga ngayon!
Natapos ko na din yung mga CHIBIS na binombard sa akin ng mga kaklase ko. haaaay, sa wakas naman, ano! Pero sa kamalas-malasan nga naman e magtatalumpati kami sa AP bukas at wala namankaming matinong usapan sa grupo. NAKAKAINIS kasi sila, parang walang kikilos kung hindi ako magpapasimula. Siguro kung hindi ako naghila e wala kaming nagawang action.... as in wala talaga! kaya nga naman sumasama ang loob ko sa mga kagrupo ko (kung sino man sa inyo ang nagbabasa ngayon.... hmmm.... tulog na siguro kayo, hindi na bale.... MAKONSYENSYA NAMAN!) Kasi mga taong WALANG KOOPERASYON mga anak ng erehe! (ooppps, maling linya...) Bleheheh.... *sweat* hala, at alas-dose na ng madaling-araw. Hindi na bale, kahit may mga tests kami bukas e nakapag-aral naman ako (kahit hini maitatanggi na talagang nakakatamad nang mag-aral kasi BAKASYON NA) kahit na kaunti. Pero talaga, bukas e LAST QUIZ na namin sa Geometry... KAILANGANG MABAWI ANG MGA BAGSAK!!! WAAAH~! BRAINDRAIN! Tapos may test pa kami sa health (Weeehh, mag-aaral pa ba ako doon?!? *YABANG*) At may talumpati kami sa AP at walang pakikisama ang mga ###### mga kasama ko. (awww.... nagmura ako, BAAD... pero sorry sama lang to ng loob) at may reporting din sa Chemistry... weeel, ako nang bahala doon, kahit nga wala kaming mga matinong visual aids. Kunsabagay, ituturo ko lang naman ang pininturahan naming pader e may visuals na ang grupo... hmmm, oo nga ano! =^_^= *nabatukan* Isang Link na binigay ni Mira-san sa akin. Blehehe, kung sino man ang mahilig kay JeanOli o OliJean sa tabi-ta---- ARAAAY! *nacrush sa stampede ng mga OliJean fans* *isip* madami din pala sila...* Actually, isa po itong Max site pero ayos din ang fanarts. Go check em out but pls. DONT STEAL! Okay, one last quiz bago ako tuluyang matulog....
*YAWWWWN* haaaay, anong oras ba ako magigising bukas??
|