|
10:58 P.M. - 03/15/2002 STATUS! 3: 49 : 40 At eto, dumami ang mga tao sa chat room. nandito na si Kuya Aja [teCHnoFreAk], si Mira, si Eli at si Maki (ako)! Ansaya namin... ano to? Chat BUONG MAGDAMAG??? hindi ko kaya. Kailangan kong matulog nang maaga, saka gusto kong mag-isip ng kung anu-ano..
Kai: KAMANYAKAN?
Ayan, naiisip ko tuloy na isan glinggo na lang at bakasyon na. Tapos sa sususnod na school year e GRADUATING na kami. ANG BILIS NG PANAHON! Tapos mamamalayan ko na lang na graduate na kami, tapos college na, tapos may trabaho na kami bawat isa... tapos... tapos ten year reunion na.... tapos 20 yrs... a basta.
Kai: MASYADO KA NAMANG ADVANCED. ==;
Oo nga, ang bilis ng panahon, at hindi ko na mahahabol ang nakalipas. Napagsisisihan ko tuloy lahat ng kawalanghiyaang nagawa ko noon, tapos malaki impact nila sa akin ngayon. Ang lala. Yun, naisip ko bigla lahaaat ng katarantaduhan ko. nagsisisi ako ngayon. Natatakot tuloy ako sa future. Ano kaya magiging itsura ko pag nangyari yun? Ano kaya state ng mga kaklase ko after ten years or so? Siguro lahat sila maunlad tapos ako alang trabaho at taong bahay lang.... *shivers* Sometimes, the truth just scares me..." Pero ang naiisip ko ngayon e dapat palipasin ko muna ang nangyayari ngayon bago ako mag-alala bukas. Kasi mas mabuting ginagawa ko nang mabuti ang NGAYON kaysa pagplanuhan ang bukas... Weeeel, we'll never know what will happen to me..., right? RIGHT! =^_^=
|