Get your own
 diary at DiaryLand.com! contact me older entries

11:08 P.M. - 03/13/2003
Depressed?
Eto pa din ako, at nakikinig ng sari-saring mp3s. Medyo nadedepress ako ngayon kasi nag-aalala na talaga ako sa aking mga grades ngayong Fourth Quarter. Kinakabahan ako at baka kung ano ang mangyari sa aking grades. Natatakot akong bumagsak... Pakiramdam ko nga nung nagsalita yung Geo teacher namin tungkol dito e parang ako yung pinapatamaan niya. Kasi tingin siya nang tingin sa direksyon ko. Natatakot tuloy ako.

Di lang yan, pati na din siguro sa ibang subjects ko... Paano kasi Internet nang Internet! Naiinis na din ako sa sarili ko. Hindi ko makontrol ito. Minsan hindi ko na din masabihan ang sarili ko na huwag maginternet nang isang buong araw... (well at least nagawa ko yun kahapon)

Kayo, hindi niyo ba nararamdaman (o naramdaman, kung matanda na kayo) ito nung/tuwing nag-aaral kayo? Ako wala lang. Naiinsecure ako sa mga kaklase ko. As you can see, nasa first section ako: punung-puno ng competition sa Outstanding Students. Minsan naiisip ko INFERIOR na ako sa mga taong nasa paligid ko. Alam niyo yung pakiramdam ko ako nang pinakamababa lagi sa klase pag nagqui-quiz. Ewaaaan ko kung dala lang to ng katamaran dahil lapit nang bakasyon...

Pero alam niyo yun... actually to tell you all the truth, masaya din namang pumasok e... actually masaya siya, kasi may kaibigan akong pinupuntahan. Masaya sia dahil dito nagmumula ang kalokohan. Pero talaga,naiinsecure na ako. Pakiramdam ko nga pati mga kabarkada kong lowersection e MAS MAGALING na sa akin e. Minsan nga naiisip ko kung bait ako pa ang nalagay sa first section e marami namang MAS MAGALING AT MASIPAG MAG-ARAL sa akin sa lower sections. *siiiigh* Ewaaaan ko talaga, siguro stressed out lang ako....

 

 

previous - next

about me - read my profile! read other Diar
yLand diaries! recommend my diary to a friend! Get
 your own fun + free diary at DiaryLand.com!