|
10:12 P.M. - 03/10/2003 Ganyan ang mga salitang EKSAKTONG SINABI sa akin ng isang kaibigan ko. Alam niyo ba na natamaan ako sa lahat ng sinabi niya? "Huwag kang mag-alala. Nandito naman ako, at mahal kita." Sabihin na nating corny ang linyang to na parang naggaling sa isang SOAP OPERA pero totoo lang nakapagpagaan siya ng loob ko. Kahit ganoong kamushy e ayos lang. Alam niyo ba itong taong to e naging special na para sa akin? Siya na lang lagi ang nandiyan para sa akin. Ansaya nga e minsan iniisip ko kung nagsasawa na siya sa lahat ng paghinga ko sa kanya ng problema. Haaay nako, siya pa nga nakaimpluwensya sa aking magsimba. Ewan ko, pero parang guardian angel ko siya. Pakiramdam ko lang. And for that I LOVE HIM... Kilala mo na kung sino ka, at kung binabasa mo to e nagpapasalamat lang talaga ako at nandyan ka... =^_^= Oo, bati na kami ni Eli. Masaya na ako... "Mahal ka ni God kahit lahat ng tao ayaw na sa yo. Kahit gaanong kasama ka pa e nandyan lang siya... siyempre, nandito din ako *cute smile*
|