|
2:28 P.M. - 02/21/2003
What a Hectic Day!
NAPAKAGALAERA KONG BATA!!!
Heheh,isipin niyo nga naman, napakasayang maglakbay sa kung saan-saan nang isang araw laang!
1.) Nasa Alabang ako kaninang mga 7:30 A.M kasi may inasikaso koyung Bible Study namin...
Kai: Ikaw, nagBibible study???
Maki: Masama?
Kai: Baka masunog ka niyan!
Maki: HE!
2.) Andun, kaninang mga alas otso naman e diretsona ako sa skul para sa miting, pero syempre nagstop over ako sa Jolibee kasi Di pa ako nag-aagahan!!!
Kai: Ang takaw mo talaga... -___-;
Hindi, kasi gusto ko lang lagpasan yung tatay ko na kumuha ng card ko... kaya nagpatagal lang talaga ako. Swerte ko nga at traffic pa e! =p
3.) At ayun, nandun ako sa skul at nagistambay... tinitignan kung sinong darating... wala lang...
4.) Internet kami ni Eli at pinost ko na ang bagong BEYBLADE ficcie ko... (yep, may bago... more details later on...)
5.) Kain sa McDo nung tanghalian, nakisabay ako sa Group three sa Filipino Noli Play namin.... at lumamon!
6.) Finally, naisipan ko na ding pumunta sa practic, sa haus ni Jonathan... at ayun sila, malapit nang matapos...
Kai: Inuuna mo pa ang pagkain kesa practice... para kang si Takao!
Maki: Manahimik ka nga! Di kita nanay!!!
7.) Sabay layas na nung mga bandang 2 PM at diretso sa haus ni Angge para... masoli yung card niya (inggit ako, ala siyang line of 7. Nakuuu, kinakabahan na ako...!)
And right now, magthithree oclock na, at nandito ako sa internetan... at ginagawa itow...
Kai: GALAERA!
Maki: Para lang makatakas sa sermon ukol sa grade... *sweatdrops*
Kai: UMUWI KA NA NGA!
Maki: AYAWWW!!!
- Running around all day makes me feel independent!
previous - next
|