|
11:40 A.M. - 02/21/2003
Umangat ka naman...
Weeeel, katulad ng nasabi ko dati pa sa journal ko, natutulog lang si Eli habang Geometry time. Naiinggit talaga ako sa kanya. Pede siyang magpa-easy-easy sa mga problems pero ako, kahit gaanong kamulat sa lesson e hindi ko pa din siya matutu-tutunan!!! LENTEKES!
YEHEY! Nakakuha ako ng Tickets para sa BAMBOO ORGAN FESTIVAL! ANSAYA! Manonood akow noon! (kasi to tell you the truth, ngayon pa lang ako makakanood ng ganoon! (kahiya!!!! =p)
Pero kanina parang "nagbabala" yung teacher namin sa Filipino sa kanya, na ang sabi ay...
"Kung kalahati ka lang nang kalahati ay hindi ka uusad" (parang kinuha sa libro, ano???)
parang ang ibig sabihin niya doon e yung inaattain lang ni Eli e yung makapasa at hindi yung UMANGAT... nakakaawa naman si Eli-san. Narealize ko rin naman na bawat tao ay may mga kakulangan at sobra-sobra... kaya lahat tayo ay pantay-pantay lang (o di ba, parang quote sa libro???)
Kuhanan na ng CArd namin tomorrow... NAKAKAKABA.... TAKOT AKOWWWW!
previous - next
|